http://www.change.org/oip/details/about
Great Principles by which OIP lives by... So help us God!
THE UNIVERSAL FILIPINO BEATITUDES
Blessed are the strange, the weird, the people we laugh at, those who do not fit our mold, specially the socially wretched and despised. By their presence in our lives, they expand our reality, on our part, reluctantly, and on theirs, so painfully, by forcing us to look at them in the hope that we see God in them. Blessed are the depressed and the addicted, for they are called upon to demonstrate the healing miracles of God through their own awakening. Blessed are those who are broken, those who fail, those who fall below our expectation, for they are asked to show the rest of us that not being perfect is part of the human condition; that accepting our imperfection is the first step in our realization of the divine perfection of all that is. Blessed are the cruel, the callused and uncaring, for on some deep unconscious level, they choose to delay their own liberation, so that others may be enlightened by their example. Blessed are those who cause us to suffer repeatedly by their mistakes, for they are our tutors who spend valuable time so that we learn our lessons well. Blessed are the nameless, the faceless, the dispossessed, the refugees, the homeless and the poor, for they point us to the way to compassion. By their sheer numbers, they tell us that ultimately, the experience of compassion is inescapable. Blessed are the people who arouse us to anger, those who bring out the worst in us, for they force us out of the denial that we harbor within; that we are hooked on them, that they resonate with something hidden inside us; and to break free, we must let go of our misguided moral superiority. Blessed are those who do not seem to have a life, and specially those who do not have a choice, those who are physically debilitated, paralyzed or in a coma and cannot move, for they bring us a message that is lost in the age of frenzy; that to be worthy of God’s love, we need not strive to do or achieve anything, but simply BE. Blessed are all of us, for whatever condition we find ourselves in, we can choose to remember our true nature, our original blessing, our timeless grace - anytime, any place and always - and be happy in our Oneness! - JIM PAREDES, great Filipino musician and composer, glamour photographer, inspirational writer and speaker, and artistic member of the Kyoto AccordSALIN SA FILIPINO NI MARC GUERRERO(Translation from English to Filipino language or Tagalog)Pinagpala ang mga naiiba, ang katakataka, ang mga taong pinagtatawanan natin, iyong hindi nabibilang sa ating uri, lalo na iyong mga baliw at itinatakwil na salot ng lipunan. Nariyan sila upang palawakin ang mga katotohanan sa ating buhay, kahit na hindi natin matanggap, kahit na napakasakit ito para sa kanila, nang sa gayon ay mapilitan tayong bigyan sila ng kaukulang pansin sa pag-asang makikita natin ang Diyos sa kanila. Pinagpala ang mga walang ganang mabuhay at mga sugapa, sila ay tinatawag upang maipakita ang nakapagpapagaling na mga milagro ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang paggising na muli. Pinagpala ang mga wasak sa pagkabayubay, iyong mga bigo, iyong mga hindi nakatutugon sa ating nasa, dahil hinihingi sa kanilang maipakita sa ating lahat na likas sa kalagayan ng tao ang hindi maging perpekto, na ang pagtanggap sa ating imperpeksyon ang unang hakbang sa pagpapatunay nating ang Lumikha at lahat ng kanyang lalang ang siyang tanging perpekto sa sanlibutan. Pinagpala ang malulupit, ang matitigas ang puso at walang pakialam sa mundo, dahil sa kaibuturan ng kanilang ulirat, pinili nilang ipagpaliban ang kanilang paglaya, upang ang iba’y maliwanagan sa kanilang halimbawa. Pinagpala ang mga taong sa kanilang paulit-ulit na pagkakamali’y nagdudulot sa atin ng ibayong pagtitiis, dahil nagsisilbi silang mga guro natin na naghahandog sa atin ng mahalaga nilang oras upang matutuhan natin ang mga aral ng buhay. Pinagpala ang mga walang sariling pangalan, ang walang sariling mukha, ang walang sariling pag-aari, ang walang sariling bansa, ang walang sariling tahanan at mga mahihirap, dahil itinuturo nila sa atin ang landas tungo sa kabutihang-loob. Sa dami ng bilang nilang tumatambad sa atin, ipinababatid nila sa ating lahat na sa kasukdulan, walang makaliligtas sa katotohanang pinakamasarap na karanasan ang maging mabuti ang loob. Pinagpala ang mga taong hinahamon tayong magngitngit, iyong pinipilit tayong magalit hanggang sa tayo’y mamuhi, dahil pinupuwersa nila tayong ilabas ang kinikimkim na pagtatatwa sa ating sarili, na siyang bumabagabag sa atin, mistulang umaalingawngaw na sama ng loob na pilit nagpupumiglas palabas; at upang tayo’y makalaya, marapat at matuwid na hubdin natin ang kahangalan at pagkapalalong moral. Pinagpala ang mga taong animo walang kabuhay-buhay, at lalo na iyong mga walang masulingan, iyong may mabibigat na kapansanan, paralisado, nasa coma o wala sa sarili, at hindi makagalaw, dahil inihahatid nila sa atin ang isang mensahe na naglahong parang bula sa panahon ng kaguluhan, silakbo at kalituhan, na upang maging karapatdapat tayo sa pag-ibig ng Diyos, hindi natin kailangang magpunyaging gawin ang anumang bagay kung para lang may makamtam, kundi simple tayong MAGING. Pinagpala tayong lahat, kahit anupaman ang ating kalagayan at kinasasadlakan, dahil kaya nating piliing maalala ang ating tunay na kalikasan, ang ating kinapanganakang pagpapala, ang ating walang hanggang grasya o karangalan, sa anumang panahon, saanmang lugar at sa lahat ng pagkakataon, at para maging maligaya tayo sa ating sariling Kaisahan sa Kanya!
Comments are closed for this post.